Isa sa mga pagdiriwang na idinaraos sa Lungsod ng Dasmariñas sa Cavite ay ang Paru-paro Festival. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-26 ng Nobyembre taon-taon. Ayon sa noo'y alkalde ng lungsod na si Jennifer A. Barzaga, nagsimula ito noong idineklara na ang Dasmariñas ay isa nang syudad noong ika-26 ng Nobyembre taong 2009. Inihalintulad ang lungsod sa isang paru-paro na mula sa pagiging uod ay kalauna'y naging paru-paro na naging tanda ng pag-unlad ng Dasmariñas mula sa pagiging bayan na ngayon ay lungsod na.
Sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito ay hindi nawawala ang iba't ibang patimpalak na talaga namang pinaghahandaan ng iba't ibang paaralan (kabilang ang mga unibersidad, pampribado at pampubliko) gayundin ng mga opisyal sa bawat barangay at mga organisasyon.
Sa pagsisimula ng araw, ang lahat ay nakikilahok sa parada upang makisaya umulan man o umaraw. Kabilang na ang mga matataas na opisyal sa lungsod ng Dasmariñas at mga grupong kasali sa mga patimpalak. Kasama rin dito ang iba't ibang float mula sa iba't ibang paaralan, organisasyon at malalaking pamilihan (mall) na malikhain nilang dinisenyuhan.
Matapos ang parada, ay sunod naman ang patimpalak sa kategorya ng pagsasayaw (mass demo) kung saan ang bawat kalahok ay may pagkakataong ipakita ang husay ng bawat pangkat at ang bunga ng kanilang pinaghirapan.
Narito ang ilan sa mga kalahok:
Bilang pagwawakas ng pagdiriwang, nagsindi ng mga paputok (fireworks) at nagpalipad ng mga paru-paro na naghuhudyat ng pagtatapos ng pagdiriwang.
SULONG NA, SULONG PA, DASMARIÑAS!
Ipinasa nina:
Rapsing, Diether L.
Recinto, Carl Charlie Maine S.
Deuda, Leanne Joy C.
Deuda, Leila Marie C.
Estacio, Sofia Mae L.
Ojeda, Jinnel N.
Pariñas, Maureen G.
Pangkat:
ABM1 (Pangkat-1)
Ipinasa kay:
Bb. Liway A. Derla